Manage episode 490870622 series 2934045
Nakababahala ang inihayag ng isang opisyal ng United Nations Children's Fund (UNICEF) na may totoo at malawakang krisis sa edukasyon ang Pilipinas. Kahit ang Pangulong Bongbong Marcos ay umamin na napabayaan talaga ang edukasyon sa bansa na nagresulta sa kakulangan sa mga silid-aralan, kakulangan sa mga guro, libro, at mababang marka ng mga Pilipinong mag-aaral sa Program for International Student Assessment (PISA).
Taon-taon ay palaki nang palaki ang bilyon-bilyong pisong budget na inilalaan para sa Department of Education (DepEd), pero taon-taon ay pare-parehong mga problema ang kinakaharap ng sektor ng edukasyon. Ang mabagal na pagpaplano, pabago-bagong disenyo ng mga silid-aralan, mga palpak na bidding, at kanselasyon ng mga kontrata, ay ilan lamang sa mga suliranin na tinukoy ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na sagabal sa pagpapatupad ng mga proyekto.
Hindi matutuldukan ang krisis sa edukasyon na hinaharap ngayon ng mga Pilipino kung hindi matitigil ang krisis sa korapsyon sa gobyerno na hadlang sa maayos na paggamit at pangangasiwa sa pondo.
We have a learning crisis because we have a crisis in government leadership. Think about it.
187 episodes